Inilahad ng sikat na vlogger na si Rosmar ang kaniyang paghanga kay Diwata na isa na ngayong matagumpay negosyante dahil "paresan." Katunayan, kay Diwata niya nakuha ang inspirasyon para simulan ang sarili niyang pares business. Sa GMA show na Unang Hirit nitong Huwebes, ibinahagi ni Rosmar kung paano sila nagsimulang mag-usap ni Diwata.
“Naka-follow siya sa akin. Ngayon dahil nga nakikita ko ‘yung pares, natatakam ako. Finollow (follow) back ko siya tapos nag-comment ako sa kaniya.
Kasi ang dami niyang bashers talaga na namba-bash sa kaniya na kesyo raw nasa bangketa lang daw, madumi raw,” sabi ni Rosmar. “Pinagtatanggol ko talaga siya sa bashers, sinasabi ko na huwag nilang i-bash. Hindi naman porke’t nandoon eh madumi na.
Depende naman ‘yan sa food preparation,” pagpapatuloy niya. “Nag-comment ako sa kaniya sa post niya na ‘Magpakatatag ka, deadma lang sa bashers. Ipagpatuloy mo lang ‘yan,” sabi pa ni Rosmar kay Diwata.
Matapos mag-comment ni Rosmar, nag-video naman si Diwata na sinabing idolo nito si Rosmar at maaari siyang kumain sa paresan nito. Nag-trending ito na umabot ng may isang milyong views. “Doon ko naramdaman na totoong tao siya.
Pinapakita pa niya sa staff niya, ‘Tingnan niyo nag-comment si Ma’am Rosmar.’ Natuwa ako, sobra,” sabi ni Rosmar. Sinagot din ni Rosmar ang puna ng ilan niyang bashers na ginaya niya umano ang paresan ni Diwata.
“Before pa man, matagal na po ako sa food business, 2016 pa, meron na po akong complete se.
