Apat na taon na ngayon sa kanilang relasyon, inilahad ni Enzo Pineda na idinaan niya noon sa dasal ang kaniyang pagtatapat ng pag-ibig kay Michelle Vito. Sa kasal na nga ba patungo ang dalawa? Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, ikinuwento ni Enzo na una silang nagkita ni Michelle sa isang fashion show, ngunit may kaniya-kaniya pa silang karelasyon noon. Kalaunan, nagkatrabaho sila sa isang teleserye, at dito umusbong ang kanilang pag-iibigan.
Kuwento ni Michelle, unang nagsabi si Enzo ng "I love you" noong nag-date sila para sa Valentine's Day. "Paghatid niya sa akin after ng date, nag-'I love you' ako sa kaniya tapos akala niya kami na. Kasi raw nag-'I love you' na raw ako," ani Michelle.
Para kay Enzo, ito na ang kumpirmasyon ni Michelle sa kanilang relasyon. Ngunit iba ang kahulugan nito para kay Michelle. "Hindi po," tugon ng aktres.
"Nag-pray pa ako. 'Lord, thank you so much for this wonderful day. Salamat na binigyan mo ako ng opportunity with Michelle na mag-date kami dahil mahal ko itong taong ito,'" kuwento ni Enzo kung paano siya nagtapat ng pag-ibig kay Michelle.
"Before dinner, nag-prayer kami. Kinonfess (confess) ko 'yung love ko sa kaniya through prayer," dagdag ni Enzo. Tinanong ni Tito Boy kung sinagot na siya ni Michelle.
"Noong time na 'yun hindi pa po. Ang reaction ko lang, (napalingon) 'Hmm?,'" natatawa nitong sabi. Patungo na sa kasal? Sa parehong panayam, binigyan ng pagkakataon sina Enzo at Michelle na itanong ang mga hindi pa nila naitatanon.
