PARA sa Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto , maituturing daw niya ang kanyang sarili bilang isang “ good kisser .” Naloka at super clap ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa mga naging rebelasyon ni Darren nang mag-bonding silang dalawa together recently. Nag-collab ang dalawang “It’s Showtime” host sa latest vlog ni Vice na “JEEPpool karaoke with Meme and Darren” kung saan napag-usapan nila ang ilang kaganapan sa personal nilang buhay.
Sa naturang vlog, pasundut-sundot na tinatanong ni Vice si Darren habang nagkakaraoke sila sa loob ng isang pampasaherong jeep. Baka Bet Mo: Kathryn super successful na sa edad 25; planong b-day celebration ‘di natupad, pero..
. At isa nga sa mga mga nausisa ng TV host-comedian kay Darren ay kung magaling ba siyang humalik. Hirit na sagot ng binata, “Wala pa naman akong na-disappoint!” Dito na nga napatili si Vice sabay palakpak nang bonggang-bongga dahil sa sagot ni Darren.
Inamin din ni Darren nagkaroon siya ng mga karelasyon noon na walang label. Katwiran ng aktor at singer, hindi naman daw kasi tinatanong ang girl kung sila na. Once na na-feel daw niyang gusto niya ang babae at type rin siya, ina-assume niyang magdyowa na sila.
Isa raw sa mga ex-girlfriend niya ay kaibigan pa rin daw niya until now. Marami naman ang nagkomento na mukhang si Cassy Legaspi ang kanyang tinutukoy. Baka Bet Mo: Darren umiiyak na naglabas ng saloobin sa mga magulang: Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever.
.. Samanta.
