featured-image

Dahil sa dami ng naaaksidente at may nasasawi, binansagang "killer canal" ang isang irrigation canal sa Dingras, Ilocos Norte na may haba na halos kalahating kilometro. At nitong nakaraang Mayo, tinangay ng malakas na agos sa kanal ang buhay ng 14-anyos na si Francis Bangi. Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," makikita na malinis ang tubig sa naturang irrigation canal kaya may mga nai-engganyo rito na magtampisaw at maligo.

Ngunit ang tubig na umaagos sa canal, nanggagaling sa isang dam kaya may pagkakataon na biglang rumaragasa ang agos ng tubig. Kaya naman marami na umano ang natangay ng tubig sa canal, at may pagkakataon na may hindi nakaliligtas. Gaya nang nangyari sa 14-anyos na si Francis, na unica hijo ni Emy sa pangalawa niyang asawang Briton.



Ayon sa tiyahin ni Francis, nagpapalamig lang sa canal at nagtatampiyaw ang mga paa nito sa tubig bago mangyari ang trahediya. Hanggang sa naisipan ng binatilyo na bumaba nang tuluyan sa tubig. Pero unti-unting lumakas ang agos.

Kumapit umano si Francis sa isang kubo pero nakabitaw ito at tuluyang tinangay ng agos. Dahil lumabo na rin ang tubig sa lakas ng agos, hindi na malaman kung saan siya napunta. Kaya nagpatulong na sila para sagipin si Francis.

Hanggang sa makita si Francis sa isang bahagi ng kanal na wala nang malay. Buwis-buhay ang kaniyang mga kaanak at kapitbahay para maialis siya mula sa tubig. Ngunit kahit anong gawin nila, hindi nila makuha si Francis dahil sa nakasabit ang paa nito sa ilalim ng tubig.

Back to Fashion Page