Inilahad ni Vice Ganda at binalikan ang panahon nang ma-in love siya noon sa kaniyang best friend, na kaniya ring naging first kiss. Sa episode ng “It’s Showtime” nitong Miyerkoles, tinanong ni Jhong Hilario si Vice tungkol sa kaniyang karanasan sa first kiss. “Na-in love ako sa best friend ko dati,” pagsisimula ni Vice.
Ayon sa It’s Showtime host, pareho na silang may nararamdaman sa isa’t isa ng kaniyang best friend. “Nag-outing kami. Noong magkatabi, ang hirap sa pakiramdam, ‘yung hindi mo alam kung ano ang magiging reaction, para kang may inaabangan.
‘Yung best friend ko, alam niyang may feelings ako sa kaniya,” saad ng TV host. Noong nagka-edad na lamang sila nagkalinawan tungkol sa kanilang mga nararamdaman sa isa’t isa. “Nag-usap kami noong matanda na kami.
At that time, hindi niya rin maintindihan kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Parang sobra niya akong na-appreciate. Swak na swak kami, pero lagi nga ang tanong niya lagi, ‘Paano ‘yun, eh hindi naman ako bakla?’” pagpapatuloy ni Vice.
Kumpara sa panahon ngayon na mas mulat na ang mga tao tungkol sa gender identity, sinabi ni Vice na hindi pa eksaktong matukoy noon ng kaniyang best friend kung paano aaksyunan ang namamagitan sa kanila. “Kasi siyempre ‘di ba dati may ganu’n, noong hindi pa tayo masyadong nakakaunawa. Kapag pumatol sa bakla, bakla.
Hindi pa natin alam ang pagkaka-iba-iba ng gender identity," sabi pa ni Vice. “‘Okay lang ba ‘yun?’ Nakuwento niya sa isa.