Isa sa mga pinakasikat na love team noong 1980's ang tambalan nina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz. Hanggang saan nga ba umabot ang "relasyon" ng dalawa noon? Sa podcast na "Updated With Nelson Canlas," tila nahirapan si Romnick na hanapan ng mga tamang salita ang naging ugnayan nila noon ni Sheryl. "Ano ba tamang sagot, Sheryl? Hindi ko kasi alam kung inamin niya," saad ng aktor na sinabing 17-anyos lang siya noon habang 15-anyos lang ang aktres nang maging magka-love team sila.
"So kung iniisip ng mga tao naging sila ba? Sa kung anuman po ang abot kaya nung ganun klaseng pag-iisip mula 15, 17, tapos umabot ako ng 18, 19, so siya umabot ng mga 17, parang naging kami. Siguro dahil we were always together," paliwanag niya. Dahil dito, tinanong ni Nelson si Romnick kung matatawag na MU o mutual understanding ang namagitan sa kanila ni Sheryl.
"Oo parang ganun. But we were also very young. So hindi mo masasabi na, seryoso ba 'yan o hindi? Hindi mo rin puwedeng sabihin hindi naman siya seryoso.
Kasi we were together. We were not trying to play with each other's feelings," paliwanag niya. "I think it's fair to say na the being together every day made us fond of each other and we found it easier to relate to each other.
Pero to call it a relationship, I think masyado kami bata din," sabi ni Romnick. Sa nakaraang episode ng "Fast Talk With Boy Abunda," sinabi rin ni Sheryl na bagaman niligawan umano siya ni Romnick noon, hindi raw niya ito sineryoso dahil pareho pa silang bata, at i.