Matapos magretiro sa pagiging sundalo si dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Rodolfo “Pong” Biazon, pinasok naman niya ang pulitika nang tumakbo at manalo senador noong 1992. Pero kahit nasa pulitika, hindi umano naging politiko ang retiradong heneral. ALAALA Part 1 : Sen.
Rene Cayetano at Sen. Pong Biazon sa alaala ng kani-kanilang mga anak ALAALA Part 2 : Dating Sen. Rene Cayetano, inspirasyon sa kaniyang mga anak ALAALA Part 3 : Rodolfo ‘Pong’ Biazon, sundalo, mambabatas, ama Bagaman hindi sinundan ni Muntinlupa City Mayor Rozzano Rufino "Ruffy" Biazon ang yapak ng ama sa pagiging sundalo, naimpluwensiyan naman siya na pasukin din ang pulitika matapos niyang tulungan ang kaniyang ama sa kampanya at pagpapatakbo ng opisina.
“Kasi ako noon, noong bata, sabi ko gusto kong mag-doktor para makatulong sa ibang tao. Nu’ng pumasok siya sa pulitika, since ako lang ‘yung pinaka-available, ako ‘yung tumulong sa kaniya sa campaign, then he asked me to help out-organize his office as his chief of staff,” pag-alala ni Biazon. Sa paglipas ng panahon, nahikayat na rin ang nakababatang Biazon na pasukin ang pulitika.
“Eventually, nakita ko, fulfilling din ‘yung trabaho, serving people through a political office. So, na-hook na rin ako, among other things. Going around the country.
.. meeting other officials, and ‘yung impact na nagagawa ng trabaho ng isang senador, parang du’n ako na-inspire na, ‘sige.
’ Itinuloy-tuloy ko na rin,” kuwento niy.