Ibinahagi ni Maxene Magalona kung papaano niya hinarap at nalagpasan ang pagsubok sa kaniyang buhay nang mauwi sa paghihiwalay ang kasal nila ng dating mister na si Rob Mananquil. Sa panayam sa kaniya sa "Updated with Nelson Canlas" podcast, ibinahagi ni Maxene ang sakit nang gumuho ang kaniyang buhay may asawa, at kung paano niya ito hinarap. "[B]y praying.

Praying for my ex-husband, praying for me, praying for the both of us so that we can let go of what was not meant for us," saad ni Maxene. Ikinuwento ni Maxene na isa sa kaniyang mga espirituwal na guro sa Bali ang nagsabi na ang kaniyang attachment ang isa sa mga pangunahing sanhi ng kaniyang pagdurusa bilang tao. Idinagdag niya na kung siya ang tatanungin kung ano ang gusto niyang mangyari, sinabi niya na gusto niyang mabuhay pa ang kaniyang yumaong ama na si Francis Magalona, ngunit magpapahirap lamang sa kaniya ang pagkapit niya sa ideyang ito.

"So, when my marriage started to crumble, when it started to talagang break apart, I had to slowly, slowly accept it," sabi niya. Isa sa mga librong kaniyang binasa ang "The Power of Now" ni Eckhart Tolle, na nagbigay din sa kaniya ng ideya na piliin ang kasalukuyan at tanggapin ang anumang nangyayari sa ngayon na tila pinili niya ito, sa halip na labanan. "Instead of resisting that, you have to turn to God and accept, this is what's happening right now, God, help me through it.

Kumbaga, tanggapin na lang natin, 'wag na tayong mag-complain, and then let's accept that this is wh.