Kinoronahan si Chelsea Manalo ng Bulacan bilang Miss Universe Philippines 2024 sa ginanap na coronation night Miyerkules ng gabi sa SM Mall of Asia Arena. Kilalanin pa lalo ang beauty queen na proud sa kaniyang kulay. Si Chelsea ang magiging kinatawan ng bansa sa gaganaping Miss Universe 2024 sa Setyembre sa Mexico.
Sa ulat ni Hermes Tunas ng GMA Integrated News Online, isang Filipino-American si Chelsea, na 22-anyos. Matapos pumanaw ang kaniyang tunay na ama, pinalaki si Chelsea ng kaniyang inang si Contessa Manalo kasama ang kaniyang amain. Sa kaniyang winning answer sa Q&A portion ng Miss Universe Philippines 2024, binanggit ni Chelsea ang kaniyang pagiging isang “woman of color” nang tanungin kung paano niya gagamitin ang kaniyang kagandahan at kompiyansa upang patatagin ang iba.
"As a woman of color, I have always faced challenges in my life. I was told that beauty has standards, actually," saad niya. "But for me, I have listened to always believe in my mother, to always believe in yourself, uphold the vows that you have.
" "Because of these, I am already influencing a lot of women who are facing me right now. As a transformational woman, I have here 52 other delegates with me who have helped me to become the woman I am. Thank you," dagdag ni Chelsea.
Sinimulan ni Chelsea ang modeling career sa edad 14. Ipinakita ni Chelsea ang kaniyang nag-uumapaw na kompiyansa sa sarili sa tulong na rin ng karanasan sa pagmomodelo mula pa noong siya ay 14-anyos pa lang. Sa kaniyang .