Muling ipinamalas ni Jean Garcia ang husay sa pagganap bilang kontrabida na si Aurora Palacios sa Primetime Kapuso series na "Widows' War." Alamin kung ano ang kaniyang ginagawa sa mga ka-eksena na ayaw matamaan ng totoong sampal. Sa nakaraang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda," ibinahagi ni Jean ang hirap na nararamdaman kapag may matinding eksena na kailangan ng matinding emosyon na may kasamang pisikalan.

Paliwanag ng batikang aktres, bagaman kailangan niyang ibuhos ang kaniyang emosyon, kailangan din niyang kontrolin at pigilan ang sarili para hindi masaktan ang ka-eksena kapag may kasamang pisikalan gaya ng sampalan at sabunutan. "Sa totoong buhay inilalabas mo yung emotions mo, ito kasi inilalabas ko ang emotions ko pero dahil ayoko naman siyang totoong masaktan so kinokontrol ko. Pero kailangang lumabas, so pigil," ayon kay Jean.

"So medyo nakakahimatay, parang gusto kong atakihin sa puso," dagdag niya. Inihayag din ni Jean na sa mga eksenang may sampalan, tinatanong niya ang co-actor kung gustong tamaan ng totoong sampal. At kapag ayaw ng kaeksena na masampal talaga, ayon kay Jean, "Tatanungin ko, 'Gusto mo bang totoo or hindi?'" 'Pag sinabi niyang hindi, sabihin ko sa kaniya, kausapin mo yung direktor natin kung papayag siya.

" "So, kailangan may pag-uusap. Sa akin, walang problema. Kung ayaw po niya magpasampal, okay lang din sa akin.

Basta bahala na siya dun sa reaction niya." patuloy ng aktres. Ayon kay Jean, mahirap kumuha ng reaksyon kung hindi naman totoo an.