Inilahad ni Bea Alonzo na hindi naging madali ang prosesong pinagdaanan nila ng ex-fiancé na si Dominic Roque bago humantong sa mutual decision na maghiwalay na at huwag nang ituloy ang kanilang kasal. Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, binalikan ni Tito Boy ang isang pahayag ni Bea sa “24 Oras” noong Hunyo na sinabi niyang: "Hindi ako ang nakipag-break." BASAHIN: Dominic, tinanong ukol sa pahayag ni Bea sa kung sino ang nagpasimula ng breakup nila Matapos nito, may pahayag naman si Bea sa isang digital platform and magazine na sinabi niyang “mutual decision” ang hiwalayan nila ni Dominic, na tila taliwas sa nauna niyang sinabi.
“Tito Boy, not that I owe anyone an explanation. I really don't want to talk about this anymore,” panimula ni Bea. “But to answer your question, baka nga may mga nalilito.
During that time that I did Tatler, that was like a month ago? Kasi po, bago sila makapag-release ng July issue or even more, I don't remember when that was but medyo matagal na. So that was the only time I kind of talked about it. Because I was asked.
I don't know. I kind of talked about it there,” paglilinaw niya. “And then 24 Oras, I didn't have the intention to talk about it.
Because I really wanted to give respect to the relationship that was,” pagpapatuloy ni Bea. Ayon sa Kapuso actress, kinailangan niyang itama ang impormasyon na siya umano ang nakipaghiwalay. “But then merong comment si Nelson, our friend Nelson (Canlas).
Before his co.