Walang oras na pinipili ang pag-atake ng hemorrhagic stroke kahit na nagmamaneho gaya nang nangyari sa Kapuso broadcast journalist na si Arnord Clavio. Alamin ang sintomas na kaniyang naramdaman upang maging alisto laban sa traydor na karamdaman na ito. Dalawang linggo makaraang mangyari ang naturang health scare, nagpapasalamat si Arnold na nakaligtas siya sa hemorrhagic stroke kung saan nagkaroon ng pagdurugo sa ugat ng kaniyang utak at hindi siya nakadisgrasya habang nagmamaneho.

Sa isang therapy session ni Arnold, binisita siya ni Jessica Soho para kumustahin at alamin ang mga nangyari nang araw na makaranas siya nang biglang paghihina sa kanang bahagi ng katawan habang nagmamaneho. "Hindi ko alam talaga mangyayari sa akin 'to. Pero sabi nga hinay-hinay, unti-unti e makakabati uli ako ng 'Magandang umaga, mga 'Igan!'" sabi ni Igan tungkol sa isinasagawa niyang rehabilitasyon.

Pauwi na noong June 11 mula sa paglalaro ng golf nang makaramdam nang kakaiba sa katawan si Arnold. "Bigla na lang lumamig 'to, right side ko, right arms ko. Malamig siya na mabigat.

Erratic 'yung drive ko. 'Ano 'to?' Tapos hindi ko na matapakan 'yung brake and gas, tumatagos 'yung paa ko. Sabi ko, 'Naku! Hindi ko gusto 'tong nangyayari,'" kuwento ni Igan.

"So ite-text ko si Ina. Naku! Iba-ibang letra na 'yung nasa cellphone. Hindi na makabuo ng salita.

Tapos nakita ko 'yung speedometer ko parang ang bilis ko hindi naman ako tumatapak. 'Yun pala natatapakan ko siya nang mabilis [pero hindi ko nararam.